Sinibak sa trabaho nag-amok, kalaboso

SHOOT sa kulungan ang isang driver-body guard nang mag-amok dahil sinibak sa pinapasukang security agency sa Cubao, Quezon City kaninang umaga.

Kusang loob namang sumuko sa mga awtoridad ang suspek na si Orlan Ventura, 48, driver-bodyguard ng Eagle Matrix Security Agency ng Ready Man Inc., isang manning agency sa 15th Avenue, Cubao, QC.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Station 7 Cubao naganap ang insidente dakong 7:20 ng umaga sa compound ng naturang agency.

Batay sa ulat, nang-agaw ng shotgun ang suspek at nagpaputok saka sumakay sa isang puting Toyota Innova na nakaparada sa parking area ng tanggapan.

Aksidenteng nasugatan ang kanyang opisyal na si Michael Cantos, nasa hustong gulang nang matalsikan ng bubog mula sa salamin na tinamaan ng bala.

Makalipas ang ilang minutong pakikipagnegosasyon sa kanya ng hepe ng QCPD station 7 na si Superintendent Ramon Pranada ay nakumbinsi rin ang suspek na sumuko.

Ayon sa ulat nag-amok ang suspek matapos umano nitong mabalitaan na tinanggal na ito sa kanyang trabaho.

Samantala, pinabulaanan naman ng manning agency na tinanggal nila sa trabaho si Ventura.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa himpilan ng pulisya at nahaharap sa kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply