Sino ang iboboto sa NPC?

HALALAN na bukas (Mayo 6) sa National Press Club.

Masaya tayo dahil dumating na naman ang pagkakataon na pipili tayo ng mga bago at lumang pinuno.

Bago para sa bagong halal at luma para sa nagbabalik at narere-elek.

oOo

Narito ang ilan sa karaniwang batayan ng pagpili sa mga kandidato.

Para sa ilan, may depekto ang lahat ng mga kandidato.

Kaya, sabi nila, yung lesser evil ang pupuwede.

‘Yung iba naman, blak en whayt.

Demonyo ang isa at anghel yung isa.

Kaya yung anghel ang pipiliin.

May mga balimbing naman umano habang yung iba’y hindi namamangka sa dalawa o tatlong ilog.

Ang huli umano ang karapat-dapat.

Namimili naman ang iba sa kung mayabang o hambol ang mga kandidato.

At karaniwan yung mga hambol ang pinipili.

oOo

Sa gitna o sa kabila ng lahat ng ito, may sinasabing may mas seryosong usapin kaysa sa mga personal na bagay gaya ng mga nasa itaas.

Isinasalang ang mga plataporma bilang sukatan sa pagboto.

Por eksampol, sino-sino ang mga umaalalay sa mediamen sa oras na sila’y nila-libel o ikinukulong o sinasalbeyds o minamasaker o nagkakasakit o namamatay o namamatayan?

Sino-sino ang mga umaalalay sa mediamen na walang masisilungan, naghahangad ng edukasyon at gustong lumaya sa kagutuman?

Sino-sino ang mga umaalalay sa mediamen na gustong makamit ang kalayaan sa pamamahayag hindi lang para sa kanya kundi para sa iba?

Sino-sino ang mga yumayakap sa National Press Club sa oras ng kagipitan nito gaya nang tinangka ng Government Service Insurance System na angkinin ito at alisan ang mediamen ng kanilang tahanan?

Sino-sino ngayon ang mga iboboto natin?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply