Sinoman ang walang sala, siya ang mambabato

ILANG tulog na lang o sa darating na Linggo, Mayo 6, 2012, tu bi eksak, halalan na ulit sa National Press Club. Siyempre pa, masaya ang ating pakiramdam.

Kapag napagod na halimbawa ang nahalal na ating mga lider noong 2010, mapapalitan sila ng mga bagong gising at hindi pagod.

‘Yung mga napagod ngunit muli silang iniluklok sa halalang ito, muli silang sisigla.

Ito’y para simulan o ipagpatuloy nilang lahat ang paglilingkod sa lahat ng mga batang media na nakararanas o humaharap sa iba’t ibang anyo ng buhay.

oOo

Alalahanin na ang mga batang media ay hindi na lang nila-libel at sine-censore sa pagsusulat, pagsasalita at iba pa.

Ang mga batang media ngayon pinapatay o sina-salvage at minamasaker na.

Kaya naman, nasa top 3 na ang repablik ni Juan sa buong mundo na pinakade-dlikado para sa mga mamamahayag.

Ang mga pagpaslang ang pinakamapait o pinakamabagsik na anyo ng censorship  o libel dahil ang buhay na mismo ng mga batang media ang kinikitil at hindi na lamang ang ating karapatang maghayag ng mga balita at kuro-kuro.

Dumarami na rin ang biktima ng gutom at kahirapan,  demolisyon sa tahanan, kawalan ng empleyo at marami pang iba.

Ang tanong natin ngayon ay: nasaan ang mga programa ukol sa mga suliraning ito  mula sa mga kandidatong opisyal ng NPC?

Sa halip, tila nababahiran ng mga siraan ang dapat sana’y panahon ng pagpapakita ng pagkakaisa sa harap ng mga malalaking problema ng mediamen.

oOo

Payong mediaman lang sa mga kandidato.

Ihanapan natin lahat ng solusyon ang mga hindi makataong kalagayan ng mediamen at gawin natin ang sarili nating pulitika na tuntungan para rito at hindi magsiraan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply