Sintomas ng kanser na hindi dapat balewalain ng kababaihan

ANG kababaihan ay mas maalam at may interes kaysa kalalakihan kung ang pag-uusapan ay tungkol sa pangangalaga ng kalusugan.

Sila ay nagpapacheck-up kaagad upang mapangalagaan ang kanilang mga katawan laban sa anumang pagkakasakit.

Subalit, hindi sa lahat ng sandali. Halimbawa nito ay ang mga kabataang babae. Anuman ang nararamdaman ay binabalewala lamang na kung minsan malubha na pala ay di pa nila alam.

May mga paniniwala ang mas batang kababaihan na ang kanser ay para lamang sa mga nakatatandang kababaihan. Maaaring totoo ito, subalit marami rin sa mas nakababatang kababaihan ang nagkakaroon nito.

Naririto ang 15 posibleng sintomas ng cancer na di-pinapansin ng kababaihan

1. Hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang.  Maraming kababaihan ang nais bumaba ang timbang, subalit ang di maipaliwanag na pagbaba ng timbang halimbawa, 10 pounds kada buwan ay di-mabuti, lalo na at di-mo alam kung bakit. May mga pagkakataon naman ito ay dahil sa overactive na thyroid, subalit, kapag hindi ito ang dahilan, kumunsulta sa espesyalista sa kanser.

2. Pamamaga (Bloating). Ang parang pamamaga ng tiyan ay karaniwan na sa kababaihan na parang kinakabagan. Subalit ito ay maaari ring magturo sa kanser sa Obaryo. Iba pang sintomas nito ay: pananakit ng sikmura, balakang, gayundin parang palaging busog kahit na di ka naman kumain ng marami, at ang palaging pag-ihi. Kung ang pamamaga ay palaging napapansin sa araw-araw, kumunsulta sa doctor upang sumailalim sa CT scan, blood test at iba pa.

3. Pag-iiba ng suso. Kung may nakakapang bukol sa suso. Di lamang ito, kapag nakitang may pamumula at pangangapal ng balat sa suso, pamamaga, mga pulang butlig-butlig na di naaalis sa loob ng mahigit isang lingo,  kailangang patingnan na ito sa doktor.

Ang iba pa, kung may pagbabago sa utong (nipple) ng suso, gayundin kung may lumalabas na parang nana patingin kaagad sa doktor.

Kailangang sumailalim din sa pagsusuri, tulad ng mammogram, ultrasound, MRI at Abiopsy.

4. Pagitan ng pagreregla o kaya ay kung may pagdurugo na kakaiba. Ang mga babaeng malapit nang mag-menopause ay di pinapansin ang kakaibang pagdurugo kung minsan. Dahil, ang akala nila ay natural lamang ang mga malakas at kakaibang pagdurugo na mayroon sila.
Kapag naman menopause na ang babae at matagal nang di nireregla at pagkaraka’y niregla pa ulit siya ay maaaring may endometrial kanser. GI na pagdurugo naman ay maaaring sintomas ng Colorectal cancer.

5. Pag-iiba ng balat. Ayon sa nakararami ang nunal (mole) ay isang sikat na senyales ng kanser sa balat. Subalit dapat pa rin nating obserbahan ang kulay ng balat.

Kapag nagkaroon ng biglaang pagdurugo sa balat o kaya ay parang maraming makapal na kaliskis, kailangang patingnan sa doktor.

6. Nahihirapang lumunok. Kapag nahihirapang lumunok ng pagkain. Maaaring napalitan na ninyo ang inyong diet. Magpalit ng uri ng pagkain na madaling lunukin.

Subalit ang hirap sa paglunok ay maaari ding may senyales na nang kanser sa esophagus. Ayon kay Leonard Lichtenfeld, MD. deputy  chief medical officer sa American Cancer Society.

7. Dugo sa maling lugar. Ayon naman kay mishori, kapag may napansin kang dugo sa ihi o sa dumi kaya, huwag akalain na ito ay galing sa almoranas. Maaaring ito ay Colon Kanser. ikunsulta sa doktor, at magpatest nang sumusunod: Colonoscopy, na ginagamit upang matuklasan kung ikaw ay may kanser kapag nakakita pa rin ng dugo sa bowl at di naman panahon ng pagreregl kailangang ipasuri ito, upang malaman kung may bladder o Kidney Cancer ka.

Ang pag-ubo na may kasamang dugo ay kailangan ding ipasuri.

8. Animo’y nginangatngat na pananakit ng tiyan at depresyon. Kapag ang isang babae ay nakadarama ng pananakit ng tiyan at kasabay na nakararamdam ng depresyon ito ay nararapat na maikonsulta sa doktor, ayon  sa  mga mananaliksik naitutugon nila ang depresyon sa pagkakaroon ng Pancreatic Cancer.

9. Di-natutunawan. Ang mga babaeng nagbubuntis ay karaniwang nakararanas ng di pagkatunaw ng kanilang pagkain, habang sila ay tumataba dahil sa pagdadalantao. Subalit ang di-natutunawan sa mga kinakain na di malinaw ang dahilan ay maaaring maagang ebidensya sa pagkakaroon ng kanser sa lalamunan, esophagus, at tiyan.

10. Kakaibang bagay sa bibig. Ang mga mahilig sa paninigarilyo ay kailangang maging alerto sa makikitang mga puting patse sa bibig o kaya ay puting butlig sa dila, ayon sa America Cancer Society. Ang dalawang naturan ay maaaring ebidensya ng paunang sintomas ng kanser o tinatawag na leukoplakia.

11. Mga pananakit. Habang nagkakaedad ang tao, ibat-ibang uri ng mga pananakit sa buong katawan ang nararanasan. Subalit, dahil dito ay maaari din naman na ang mga pananakit ay dahilan ng maagang sintomas ng ibat-ibang uri ng kanser. Ang mga pananakit na hindi maipaliwanag ay kailangang maikunsulta sa doctor.

12. Pag-iiba sa Lymph Nodes. Kung may makikita na bukol o pamamaga ng lymph nodes sa ilalim ng kilikili o sa batok, maging sa iba pang bahagi ng iyong katawan – ito ay nakaaalarma.

13. Lagnat. Kung nagkakaroon ng lagnat na di mapaliwanag, lalo na kung wala ka namang sipon o trangkaso. Ang lagnat ay karaniwang nararamdaman kung ang kanser ay kumakalat na nang paunti-unti sa katawan.

Maaari rin itong maagang sintomas ng kanser sa dugo, leukemia o lymphoma. Ito ay ayon sa American Cancer Society. Ang iba pang sintomas ng cancer ay jaundice, o kakaibang kulay ng dumi.

14. Pagkapagod. Ang pagkapagod isa pang di malinaw o eksaktong sintomas na maaaring may kanser ang isang tao. Ang palaging pagkaramdam ng kapaguran ay lalong mararanasan kung talamak na ang kanser.

Subalit may panahon na kaagad din namang nararamdaman, tulad ng kung ito ay kanser sa: dugo, bituka, o kaya at sa tiyan.

15. Tuluy-tuluy na pagkakaroon ng ubo. Ang pag-ubo ay karaniwan sa may sipon, allergies, trangkaso at kung minsan ay nagiging resulta nang paggagamot sa ibat-ibang uri ng sakit. Subalit ang masyado – nang matagal na pag-ubo, tulad ng isang buwan ay di-dapat ipagwalang-bahala. Ipasuri ang lalamunan, baga at mag pa-x-ray, lalo at higit kung ikaw ay mahilig manigarilyo.


3 Responses for “Sintomas ng kanser na hindi dapat balewalain ng kababaihan”

  1. bebe says:

    lagi pong sumasakit dede ko , 18 pa lng po ako nag pa tingin po ako dte sbe bwal po dw mpuyat at neresetahan po ako ng meloxicam safe po b yun ? may iba pa po b kyong maippyo pra maiwasan ko n ang pag skit . maraming maraming salamat po .

  2. cherry lyn almarioo says:

    Lagi po akong nahihilo 29. Yrs old n po aq anu po kyang sintomas

  3. Jhoan says:

    Help naman po :( ung sipon ko minsan may halong dugo tapos mag dumudura po ako ng plema may kasamang dugo. Pero wala nmn po akong lagnat sipon lng talaga.

Leave a Reply

*
nakakatawa talaga ang mga comment ni kristd...haha...
KristD yong ginawa mo rin ditto ay mind conditioni...
Ahahahahahahahaha,bwuhahahahahahaha. Good one. Tw...
yuhooo mga kapamilya " KUPS' Scoop hahahah hinay...
NYAHAHAHA STD LOLA MUZTA NAMAN KEPS MO LOLA MASIKI...
nyahahahah 'kapay' kaya pala nag dabog si Starlet ...
nyahahahahah ang laki talaga ng tawa ko rin ng tin...
nyahahahah ay korek ka ako may kilala rin madal...
nyahahahhaha ' kapay' grabee na talaga ang kalaswa...
nyahahahah korek na korek si gary Sta. Ana...he he...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.