Sintunadong minero pinasabog ang dibdib

HINDI na nagawang matapos ng isang minero ang kanyang madamdaming kanta nang bigla na lamang pasabugin ang dibdib nito habang umaawit sa lalawigan ng South Cotabato.

Dead on the spot ang minerong si Saring Mindal, 29, ng Barangay Poblacion, T’boli, South Cotabato.

Base sa pagsisiyasat ng Tiboli PNP, nasa loob ng kubo ang biktima at kumakanta kasama ang kainuman nang bigla na lang dumating ang suspek na kinilalang si Jim Timway, ng Barangay Desawo sa nasabing bayan.

Bigla na lamang binaril ang biktima gamit ang 12-gauge shotgun at tumama sa iba’t ibang parte ng katawan nito na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Agad namang tumakas ang suspek.

Hinihinalang may dati nang alitan ang dalawa na posibleng motibo sa krimen.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply