Sinungaling ang hepe ng MTPB – traffic enforcers

DUMAGSA ang text messages at e-mail sa inyong lingkod matapos na malathala sa pahayagang ito sa pamamagitan ng Lily’s Files ang sulat at panig ng  hepe ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na si Ms. Nancy Villanueva.

Sa mga nakarating na e-mail at text message sa Lily’s Files, ay halos nagkaisa ang lahat sa pagtawag kay Ms. Nancy Villanueva na isang sinungaling at magaling na script writer.

Ayon sa  ating mga  nakausap na traffic enforcer sa Maynila, puro kasinungalingan daw  ang mga sinabi nitong si Mam Nancy Villanueva, dahil sa totoo lang ay wala naman daw pinapirmahan sa kanila  na P3,000 lang ang kanilang tatanggapin kada buwan.

Inamin ng mga enforcer na may pinirmahan sila sa isang bond paper kung saan naroon ang kanilang mga pangalan at address ngunit walang nakalagay na amount dito.

Sinasabing  kung  hindi  pinalitan ni Manila Mayor Alfredo Lim  ang dating hepe ng MTPB na si  Col. Franklin  Gacutan,  maganda sana ang takbo ng departamentong ito dahil bago raw mapalitan si Gacutan ay binalak na nitong itaas sa P5,000 ang matatanggap ng bawat traffic enforcer.

Mam Nancy Villanueva, kayo na rin mismo ang nagsabi na no-ong year 2009 ay kumita ang inyong tanggapan ng halagang P69,161,426.25 at noong year 2010 naman ay kumita kayo ng P72,042,899.51 at noong 2011 ay  hinigitan niyo pa ito dahil kumita kayo ng P94,454,927.95.

Hindi po ba kaya kayo kumita ng  ganito kalaki ay dahil sa inyong mga traffic enforcer at  mga parking boy?

Kawawa naman ang inyong mga traffic enforcer at parking boy, maghapon sa lansangan para kumita ang inyong departamento pero kayong mga nasa airconditioned room lang ang nakikinabang nang malaki.

Maging patas naman sana kayo, madam, sa inyong mga tao. Ang laki naman pala ng kinikita ng inyong Departamento ng dahil sa kanila, dapat lang naman sigurong makinabang din sila sa mga pinaghirapan nila.

At ano itong nakarating na impormasyon sa inyong lingkod na sinasabi niyo raw po, Madam Nancy Villanueva, na kaya ko inilabas ang inyong panig dahil “inareglo” niyo ako?

Gusto ko lang po sanang ma-laman  kung ano ang ibig niyong sabihin ng salitang “inareglo” dahil kung ako ang magbibigay ng ka-hulugan nito ay siguradong pangit pakinggan.

Wala po akong tinanggap na kahit na isang kusing sa paglathala ko ng inyong napakahabang sulat o sagot doon sa column kong lu-mabas noong Abril 24, 2012 na pinamagatang “Manila Traffic Enforcers May Dahilan sa Kotong.”

Kaya ko po inilabas ang inyong panig ay sa kadahilanang  karapatan  niyo ito at dahil na rin sa pakiusap ng isang kasamahan sa hanapbuhay na hindi ko puwedeng tanggihan.

Para sa inyong mga comment, reaction at suggestion ay maaari lang pong mag-text sa 09155683000 at 09087230036 o  kaya ay mag-email sa lily_reyes-13@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply