Sixers angat na

GINULAT ng No. 8 seed Philadelphia 76ers ang top seed na Chicago Bulls, 79-74 upang agawin ang 2-1 bentahe ng una sa Game 3 ng 2011-12 National Basketball Association, (NBA) Eastern Conference playoffs kaninang umaga.

Ramdam ng Bulls ang pagkawala ng kanilang star player na si at reigning MVP Derrick Rose kaya sinasamantala ito ng 76ers.

“We’re playing a team that has some injuries,” sabi ni Sixers coach Doug Collins, “and we’ll see if we can do something about that.”

Bumira si Sixer center Spencer Hawes ng 21 puntos, siyam na rebounds at dalawang assists upang ilista ang back-to-back wins sa kanilang best-of-seven series.

“We have a huge opportunity here in the playoffs and we have to try and capitalize on it,” ani Hawes.

Umiskor pa ng 10 clutch points si Hawes para tuluyang silatin ang Bulls at makakuha ng umento sa Game 4.

Nagdagdag din sa opensa ng Sixers si Jrue Holiday matapos tumikada ng 17 points at tig-anim na rebounds at assists habang 16 pts. at nine boards ang inambag ni Evan Turner.

Dalawang free throws ang sinalpak ni Hawes at pagkatapos ay kumana 20 foot jumper para makalamang, 72-71, may 2:11 minuto na lang ang nalalabing oras sa fourth canto.

Nakapagbigay din ng 14 markers at dalawang boards si Lou Williams sa opensa ng 76ers.

Si Carlos Boozer ang nag-top scorer para sa Bulls na may 18 points, 10 rebounds at dalawang steals habang sinundan siya ni Richard Hamilton na naglista ng 17 markers, pitong assists at anim na rebounds.

“Our fourth quarter has to be our best quarter and tonight it wasn’t,” wika ni Boozer. “We had good looks down the stretch and just missed them.”

Samantala, sinagip ng triple-double ni Rajon Rondo ang Boston Celtics na nagwagi via overtime kontra Atlanta Hawks, 90-84 sa isa pang EC playoffs.

Tangan ng Celtics ang 2-1 bentahe ng itala ni Rondo ang 17 points, 14 rebounds at 12 assists.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply