Sixers binigo ang Celtics

WALANG kabang sinalpak ni bench player Jodie Meeks ang dalawang crucialna freethrows upang maitakas ng Philadelphia 76ers ang 82-81 panalo laban sa Boston Celtics kaninang umaga sa Game 2 ng 2011-12 National Basketball Association, (NBA) Eastern Conference second round playoffs.

Angat ng limang puntos ang Sixers may walong segundo na lamang ang nalalabing oras subalit sumalpak ng tree-pointer si Ray Allen upang tapyasan sa dalawang puntos ang hinahabol ng Celtics, 80-78 may 3.5 segundo sa final canto.

Isang quick foul ang ginawa ni Celtics ace player Kevin Garnett para magkaroon pa sila ng pag-asa kung sakaling may isablay sa freethrows.

Subalit kalmado ang kamay ni Meeks at pinasok ang pamatay na panalo ng Sixers upang itabla ang serye sa 1-1 sa kanilang best-of-seven series.

Si Jrue Holiday ang nanguna sa opensa ng 76ers matapos tumarak ng 18 puntos, tatlong assists at dalawang rebounds habang somosyo si Andre Iguodala ng 13 markers, pitong assists at anim na borads.

May tig 10 puntos naman sina Evan Turner at Lavoy Allen.

Sa Game 1 nasilat naman ng isang puntos ang Sixers, 92-91 at sa Game 3 na gaganapin sa Huwebes ay malalaman kung sino ang kakalas sa serye.

Umani ng maraming puntos sa Celtics si Allen na may 17 pts. at apat na rebounds habang pumangalawa si Garnett na nagtala ng 15 points at 12 boards.

Samantala, tinambakan naman ng Oklahoma City Thunder ang Los Angeles Lakers, 119-90.

Abante ang Thunder 1-0 at sa game 2 ay sa Oklahoma ulit ang laban.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply