Sixers tiklop sa Game 3

SECOND quarter pa lang ay siniguro na ng Boston Celtics na hindi na makakahabol ang Philadelphia 763rs sa fourth canto.

Bumira ang Celtics ng 32 puntos sa second period upang paluhurin ang 76ers, 107-91 sa Game 3 ng National Basketball Association, (NBA) Eastern Conference semifinals kaninang umaga.

Nanguna si star player Kevin Garnett ng 27 puntos, 13 rebounds at apat na assists upang ilista ng Celtics ang 2-1 serye sa kanilang best-of-seven match.

Kumamada si Pierce ng 24 points, 12 boards at apat na assists habang ang kanilang point guard na si Rajon Rondo ay may 23 pts., 14 assists at anim na rebounds.

Kinapos ang mga puntos nina Jrue Holiday, Thaddeus Young at Lou Williams kaya ayon sa pangalawa ay kailangan nilang makabalik sa laban sa susunod na laro.

Si Holiday ang nag-top score para sa Sixers na may 15 pts., siyam na assists at anim na rebounds habang 13 puntos at apat na assists ang ginawa ni Williams.

Samantala, nakadalawa na ang Oklahoma City Thunder matapos talunin ang Los Angeles Lakers, 77-75 sa Western Conference match.

Angat ng 2-0 serye ang Thunder at pihadong babawi ang Lakers sa Game 3 kung saan ay sa L.A gagawin ang laban.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply