Small scale business sikreto sa employment

KATATAPOS kahapon ng paggunita ng bansa sa Labor Day o Araw ng Manggagawa.

Minsan hindi ko makita ang saysay ng pagdiriwang na ito dahil sa sobrang pang-aalipusta at abuso ng mga sector kapitalista sa ating laborers at employed workers.

Sandamakmak na naman ang pahayag ng pamahalaan ukol sa naisin nilang itaas ang antas ng buhay ng manggawa at empleyado.

Mga salita at rhetoric na taon-taon nating nadidinig pero wala rin namang epekto. At eto na naman sila kahapon.

Target daw na itaas ang sahod ng mga mangggagawa, pero tinanggihan yung hiling na P125 across the board wage hike.

Balak daw dagdagan ang trabaho sa bansa, pero ayaw tulungan ang mga small scale businesses.

Lagi na lang ipinapaliwanag ng Free Spits sa kung sinuman ang makikinig na ang tunay na sikreto sa pagdagdag ng trabaho ay tulungan ang maliliit na negosyo.

Mga negosyong tulad ng maliit na laundromats, kapihan, restoran, grocery store na maliliit. Mga backyard industries tulad ng furniture making, carpentry, welding, at iba pang trade jobs.

Ang mga negosyong ito ay maliliit at maaari lamang magkaroon ng mga lima hanggang walong empleyado, totoo yan.

Pero kaya ito itayo ng isang ordinaryong mamamayan sa maliit na pondo pero malalim na karanasan.

Isipin ninyo kung kumalat ulit ang naghahasa, panadero, grocery sa kanto, gumagawa ng sapatos?

Kung bawat isang community ay meron nito at bawat isa nito ay meron apat na empleyado galing sa community nila? Hindi ba mas madaling bumuo ng trabaho?

Kaso natin, ang hirap ng magbukas ng ganito kaliit na negosyo, ito pang mga maliliit na businesses na ito ang paboritong atakihin ng mga lokong tauhan ng gobyerno.

Una na diyan ang local BIR at Municipal o Business Office.

Madali nga kumuha at magrehistro ng business name sa Department of Trade and Industry, titirahin ka naman ng lagay at burokrasya sa BIR at Munisipyo o City Hall.

Masakit pa riyan, ang maliliit na negosyong ito ang walang insentibo mula sa pamahalaan, di tulad ng multi-billion na kompanya na ang empleyado ay contractual.

Bulag na bulag tayo sa bilyon pisong investment na wala namang totoong benepisyo sa ordinaryong mamamayan na hindi na natin tinitingnan ang tunay na haligi ng ating negosyo, yung negosyo ng pamilya.

Negosyo ng pamilya na pinalaki at inalagaan hanggang maging haligi ng community.

Marami yan, hindi nagpapapansin at baka mabiktima ni Kim Henares at ng kanyang witch hunt sa perang kailangan ni Noynoy Aquino.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply