Sonia Brady itinalagang PHL ambassador to China

INIHAYAG na ngayon ng Malakanyang ang pagkakatala kay Sonia Brady bilang bagong Philippine Ambassador to People’s Republic of China kapalit ni Domingo Lee na hindi nakalusot sa Commission on Appointment.

Si Brady ay itinalaga ni Pangulong Benigno Aquino III bilang bagong Philippine ambassador sa China at mayroon ding concurrent jurisdiction sa People’s Republic of Korea at Mongolia.

Isang beteranong career diplomat si Brady at hindi na rin bago sa kanyang trabaho dahil dati na rin siyang ambassador to China noong 2006 hanggang 2010, sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Si Brady ay naging kinatawan ng Pilipinas sa Thailand (2002-2003), Myanmar (1995-1999) at deputy of chief of mission to Indonesia (1994-1995) at ilan pang foreign designations.

Naging DFA undersecretary for policy din siya at director ng Asia-Pacific Affairs.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply