South Luzon International Airport tatapusin sa 2014

MALAKI ang tinwala ng pamahalaan na maaabot nila ang 2014 deadline para matapos ang konstruksyon ng South Luzon International Airport (SLIA).

Ayon kay Transportation and Communications Secretary Mar Roxas, aprubado na ang karagdagang P2 bilyon pondo para sa pagpapatuloy ng konstruksyon ng naturang proyekto.

Kaugnay nito, sinabi ni Albay Governor Joey Salceda na inaasahan niyang madaragdagan pa ang pondo para sa naturang proyeto sa susunod na taon at makakatulong ito sa development ng Bicol region maging sa buong bansa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply