Special Report: 21ST Manila Trans Sport Show

KATATAPOS lang ng 21st Trans Sport Show ilang linggo na ang nakakraan sa SM Megamall sa pangunguna ng Phoenix Petroleum Philippines, Inc.

Hindi matatawag na enthusiast ang isang tao, kung wala siyang kahit na anong kaalaman patungkol sa bagay na kanyang gusto. Mananatili lamang siyang tagahanga.

Sa naganap na 21st Trans Sport Show, ang mga naging kalahok ay masasabing mga taong lubos-lubos ang pagiging enthusiast sa larangan ng pangongolekta, pagre-restore at pagcu-customize ng kani-kaniyang mga kotse. Iba’t ibang klase o modelo ng sasakyan ang inyong makikita, may mga sports car, trucks, kotse at marami pang iba.

Nakakatuwa ang experience na makapasok at maging part ng nasabing car show. Hindi man sapat ang inyong nalalaman tungkol sa kotse, nakakatuwa pa rin. Very willing ang mga owner at mga company na nag-customize na ipaliwanag at magbigay kaalaman regarding sa mga sasakyan nila. Hindi nakakailang na lumapit, dahil very friendly at accommodating sila.

Isa sa mga highlight ng event ay ang pagse-celebrate ng MGB (Morris Garages Car Company) ng kanilang ika-50th na Anniversary. Magiliw na nagkuwento ang isa sa mga miyembro nila, ipinakita ang ilan sa mga litrato at history kung paano nagsimula ang MGB. Isang 1969 MGB GT na ngayon ay pag-aari ni Mr. Dominic Ochoa, isa ring member ng MG Owners Club at isang MGB Roadster ang mga sasakyan nilang inilahok sa nasabing car show.

Isa pa sa mga highlight ng event ay ang Collecting Vintage Cars Seminar, dahilan na din siguro sa maraming kalahok na mga vintage car, isa na rito ang 1942 Packard 180 limousine na dating official car ni President Jose P. Laurel. Ito ay ni-restore sa dati nitong ganda.

Ayon kay Ms. Sophie de los Santos, President ng Tradeshow International, Inc. at organizer ng pinakamatagal na car show sa bansa, ang Trans Sport Show, sa taong ito, ay talagang naglaan sila ng slot para sa mga baguhan pero pili lamang.

Ilan sa mga nagwagi ay ang Toyota FJ 40 na pag-aari ng dating F3 Champion na si Mr. Tyson Sy bilang Best of Show Nostalgic at ang ang Best of Show Contemporary mula sa Jworks Unlimited.

Hindi ka lamang matutuwa, may maiuuwi ka pang kaalaman.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply