Spurs arangkada sa Game 1

INANGKIN ng San Antonio Spurs ang Game 1 ng NBA Western Conference finals matapos kaldagin ang Oklahoma City Thunder, 101-98 kaninang umaga.

Pumukol ng importanteng baskets si Manu Ginobili sa fourth canto upang takasan ang Thunder at ilista ang 19th win ng Spurs.

Bumira ng 26 puntos, five rebounds at tatlong assists si Ginobili habang 18 points, walong boards at anim na assists ang kinana ni Tony Parker.

Abante ang Thunder ng 71-62 sa pagtatapos ng third quarter subalit sa pagbubukas ng ng fourth period ay biglang umarangkada ang Spurs ng 11-2 run para itabla ang score sa 73 may 7:56 minuto pa ang natitirang oras.

”They got us on our heels. We were not aggressive,” sabi ni Ginobili. ”And in the second half, we did have it.”

Naagaw ng Spurs ang lamang ng pumukol ng 6 foot jumper si Parker at sinundan pa ng layup ni Ginobili para sa 77-74 bentahe.

Sumagot naman si Derek Fisher pabandang tira para idikit ang Thunder sa 76-77 subalit umigkas din agad ang Spurs para tuluyang iwanan ang una.

Bumakas din si star player Tim Duncan ng 16 markers, 11 rebounds at dalawang assists.

Kinapos naman ang 27 pts., 10 rebounds at apat na assists ang ace player ng Thunder na si Kevin Durant.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply