Spurs vs Thunders sa Western finals simula sa Lunes

MAGSISIMULA na ang duwelo ng San Antonio Spurs at Oklahoma City Thunder sa Lunes, makaraan ang unang dalawang rounds ng playoffs sa NBA.

Halos dinomina ng Thunder ang West sa loob ng buong season at pihadong kakayanin din ang lakas ng Spurs na nitong huli lamang naging malakas ang laro sa 18 games.

Nagawa ng Spurs na lumamang sa average na 14 points kada laro, tapusin ang regular season ng 10 sunud-sunod na tagumpay bago winalis ang Utah Jazz, maging ang Los Angeles Clippers para ganap na maabot ang conference finals sa unang pagkakataon buhat noong 2008.

Ang mga batang Thunder squad ay pinamumunuan ni Kevin Durant at Russel Westbrook na siyang dumispatsa sa NBA champions Dallas sa first round, maging sa 2010 champions Los Angeles Lakers sa ikalawa at pakay kabigin ang titulo.

Sisimulan ang Game 1 ng Western Conference finals sa Lunes, isang linggo nang tapusin ng Spurs ang Clippers sa Game 4 kung saan namayani si Tim Duncan sa double figures sa itinarak na 21 puntos at 9 na rebounds.

Ang huling talo ng Spurs ay noong Abril 12 (Araw sa Maynila) kontra Lakers.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply