SRP ng school supplies inilabas ng DTI

INILABAS na ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang bagong suggested retail price (SRP) ng mga gamit sa eskwelahan upang magabayan ang mga mamimili.

Ayon kay Trade Undersecretary Zenaida Maglaya, sakop ng bagong SRP ang mga notebook, pad paper, lapis, ballpen at krayola.

Ani Maglaya, nasa P10 ang pinakamurang halaga ng composition notebook at spiral notebook; P10.75 naman ang pinakamurang writing notebook; P9.00 ang pad paper at nasa P9.50 ang presyo ng pinakamurang lapis; P11.00 ang krayola at P5.75 ang ballpen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply