Starmall San Jose Del Monte dinagsa ng fans

MASAYANG nagdaos ng special birthday celebration si Jennylyn Mercado sa Starmall San Jose Del Monte nung Lunes ng hapon, May 14, isang araw bago ang tunay na petsa ng kanyang kaarawan.

Libo-libong fans ang dumagsa sa Event Center ng Starmall sa Bulacan upang tunghayan ang birthday celebration ng actress-tv host kung saan pinarangalan siya ng women’s group na Gabriela ng plake bilang opisyal na miyembro ng samahan.

Di lingid sa lahat ang mga pinagdaanan ni Jennylyn nung bata pa siya kung kaya minarapat niya na sumali sa grupo ng mga kababaihan upang patuloy na ipaglaban ang kanilang adhikain, ang proteksyunan ang karapatan ng kababaihan.

Dumalo rin ang mahigit 300 miyembro ng Gabriela kasama ang kanilang mga pamilya.

Umaapaw na mga regalo ang hatid ni Jennylyn para sa kanila mula sa kanyang sponsors at ganun din ang mga gamit pang eskwela na hatid naman ng Villar Foundation (nina Senator Manny Villar at Misis Cynthia Villar) na pinamigay sa mga nanood ng show.

Nagsilbing host si Isabel Oli.

Nagpaunlak ng mga kanta si Jennylyn kasama ang Strings Obsession band at magiliw na nakipaglaro sa kanyang fans.

Tunay namang napakaganda ng bagong Starmall na matatagpuan sa Quirino Highway, Bgy. Kaypian sa siyudad ng San Jose Del Monte sa Bulacan.

Halos lahat ng shops na hahanapin mo ay mayroon sila. Maligayang maligaya ang mga residente ng San Jose Del Monte sapagkat sa wakas ay mayroon nang mall sa kanilang lugar.

Isang malaking mall na pinalilibutan ng pine trees at mga halaman na lalong nagpasigla sa kapaligiran.

Ibang-iba ang konsepto na ito ng Starmall kaya hindi nakapagtataka na maraming tao ang nagpupunta sa araw-araw.

Patuloy pa din ang pagtatayo ng Starmall ng branches sa iba’t ibang panig ng bansa at tuloy-tuloy ang pagdadala ng magagandang entertainment para sa mall-goers nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply