STDs sa oral sex ipinakakalkal ni Miriam

HINILING ng isang babaeng mambabatas sa kinauukulang komite ng Senado na magsagawa ng imbestigasyon kung paano mapipigil ang pagkalat ng communicable at noncommunicable diseases na nakukuha sa pamamagitan ng oral sex.

Inihain ni Sen. Miriam Defensor Santiago ang Senate Resolution No. 758 matapos maalarma sa ulat ng Philippine Medical Association (PMA) at ng Philippine Dental Association (PDA) na ang oral sex sa isang partner na may “genital warts” ay malaki ang tsansa na magkaroon ng kanser, kaysa sa paninigarilyo at pag-inom ng alak.

Nagbanta pa ang PMA na ang mga taong may higit pa sa limang oral sex partners ay siyam na beses posibleng magkaroon ng kanser sa tonsil, dila at lalamunan.

Sa age bracket, ang mga kabataan ang may malaki ang posibilidad na magkaroon ng oral cancer dahil na rin sa pagiging “sexually adventurous” nila.

Sa report ng PMA, nagsagawa ng pag-aaral ang University of the Philippines Population Institute na tinatayang 4.23 milyong Filipino na may edad 15 hanggang 24 ang aktibo na ngayon sa sex kung saan 20 porsyento ay hindi gumagamit ng proteksyon tulad ng condom.

May resulta rin ng pag-aaral ng PMA na ang human papilloma virus (HPV), ang pangunahing sanhi ng cervical cancer sa kababaihan, ay nagiging sanhi rin ng oral cancer sa kababaihan at kalalakihan na hindi gumagamit ng proteksyon.

Iniulat din nila na bukod sa HPV, ang sexually transmitted infections tulad ng herpes, gonorrhea, Chlamydia na nakuha sa oral sex ay maaaring maging sanhi rin ng kanser sa bibig.

“To prevent the spread of noncommunicable diseases and sexually transmitted infection through oral sex, it is imperative for the State to coordinate with health and dental associations in order to campaign against such dreaded diseases,”paliwanag sa resolusyon ni Sen. Santiago.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply