Steven Tyler binigyan si Jessica Sanchez ng standing ovation

HINDI naging hadlang ksy Filipino-American-Mexican Jessica Sanchez ang kanyang sore throat at bonggang bumirit sa kantang I Don’t Want To Miss A Thing ng Aerosmith sa performance night ng American Idol season 11 kanina.

Standing ovation ang nakuha ng dalagita mula sa front-man ng Aerosmith na si Idol judge Steven Tyler na walang nasabi kundi puro papuri para sa mahusay na pagkakaawit ng kanyang pinasikat na kanta.

Ang I Don’t Want To Miss A Thing ay inawit Jessica kanina para sa round two o para sa kategoryang personal song choice.

Unang inawit naman ni Jessica Sanchez ang ‘My All’ ni Mariah Carey na nagpalabas sa suwabe niyang boses.

Naipakita rin sa awitin na ito ni Jessica ang kontrol niya sa kanyang boses.

Umani rin ng papuri si Jessica sa mga idol judge na sina Tyler, Randy Jackson at Jennifer Lopez at sinabing bagay ang kantang kanilang pinili para sa Pinay sa kategoryang judges’ choice.

Sa ikatlong round kinanta ni Jessica Sanchez ang I’ll Be There ng Jackson 5 para naman sa mentor’s choice.

Gaya ng kanyang rendition ng I Don’t Want To Miss A Thing nagustuhan din ni Tyler ang version ni Jessica ng Jackson 5 hit. Nagustuhan din ni J-Lo ang version ni Jessica ngunit “OK” lamang para kay Jackson

“I liked it OK, I didn’t love it.” komento ni Jackson.

Narito ang mga kinanta ng katunggaling sina Joshua Ledet and Phillip Phillips sa tatlong round:

Phillip Phillips
– Beggin (Macdan)
– Disease (Matchbox 20)
– We’ve Got Tonight (Bob Seger)

Joshua Ledet
– I’d Rather Go Blind (Etta Jones)
– Imagine (John Lennon)
– No More Drama (Mary J. Blige)

Bukas ng umaga (Philippine time) ay malalaman kung sino ang papasok sa final stage ng American Idol season 11.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply