Minority leader Suarez lumagda rin sa waiver

LUMAGDA na rin sa waiver si House Minority Leader Danilo Suarez para mabigyan ng pagkakataon ang awtoridad para maisapubliko ang lahat ng kanyang mga ari-arian.

Personal na nilagdaan ni Suarez ang waiver sa harap ng media para maipakita ang transparency at lahat ng kanyang ari-arian ay naideklara sa kanyang statement of assets liabilities and net worth (SALN).

Sinabi ni Suarez, na naisumite na niya ang waiversa tanggapan ni House Speaker Feliciano Belmonte.

Bukod kay Suarez, lumagda rin sa waiver ang Makabayan Bloc na kinabibilangan ng mga militanteng kongresista.

Kinabibilangan ito nina Bayan Muna Rep. Neri Colmenares at Teddy Casino, ACT Partylist Rep. Antonio Tinio, Luzviminda Ilagan at Emmi de Jesus ng Gabriela, Raymond Palatino ng Kabataan at Rafael Mariano ng Anakpawis.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply