Sugar company kinasuhan ng tax evasion

NAHAHARAP sa patung-patong na kaso ang isang sugar company at presidente nito dahil sa hindi pagbabayad ng wastong buwis at iba’t ibang paglabag.

Ayon kay Bureau of Internal Revenue (BIR) Comm. Kim Jacinto-Henares,  tatlong ulit ng pinadalhan ng notice ang Jolinecca Corporation na nakabase sa Bacolod City para sa presentation ng mga libro nito, kasama na ang subpoena duces tecum (SDT) ngunit ipinagwalang bahala ito ng mga opisyal ng korporasyon kabilang na ang presidente nito na si Anecito Campos.

Naitala ng BIR ang assessed total deficiency tax ng Jolinecaa sa halagang P17.10 million para sa taxable year 2006.

Pinagmumulta ang kompanya ng P1,000 sa bawat kabiguang makapaghain ng BIR Form 1604-CF (Annual Information Return of Income Taxes Withheld on Compensation and Final Withholding Taxes) at sa hindi pagbibigay ng kinakailangang inventory list.

Ang kaso ng Jolinecaa Corporation at ni Campos ang ika-108 usapin na inihain ng BIR sa Department of Justice mula ng simulan ang Run After Tax Evaders (RATE) program.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply