Sundalo arestado sa panunutok ng baril

DAGUPAN CITY – Arestado ang isang miyembo ng Philippine Army (PA) at kasamahan nito matapos itong manutok ng baril sa isang pulis sa mismong police station sa Barangay Bonuan, Tondaligan, Dagupan City.

Nakapiit ang mga suspek ngayon sa Dagupan Police detention cell ay nakilalang sina Teodoro Gascon, 42, isang Army, at kamag anank nitong si Conrad Gascon, parehong taga Dagupan City.

Ayon sa inisyal na imbestigasyong ng local na pulisya, sumugod umano ang dalawang suspect PCP 6 sa nasabing barangay upang kumprontahin ang police investigator na si Rick Cornel.

Sa report, bumunot umano itong si Teodoro ng .45 pistol at bigla itong itinutok sa biktima.

Agad namang naawat ng mga kasamahan ng biktima ang mga suspek at dinisarmahan si Teodoro.

Habang isinasagawa ang imbestigasyon, nakuhanan ang mga suspek ng dalawang sachet ng shabu.

Nagsasagawa ang local na pulis ng follow-up investigation kung ano ang mitibo bakit sumugot ang mga suspect sa nasabing police station.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply