Sundalong binasted binoga ang nililigawan bago nagpakamatay

DAHIL sa kabiguan sa pag-ibig na idinudulog sa isang magandang guro ay nagawang  mag-suicide ng isang kagawad ng Philipine Army matapos muna niyang barilin ang nililiyag habang nasa kasagsagan sila ng isinasaagwang Brigada Eskuwela sa lalawigan ng Iloilo, sa ulat ng pulisya kahapon.

Nabahiran ng dugo ang inilulunsad na Brigada Eskulwela sa buong kapuluan ng magpakamatay si Pvt John Rey, 25 taong gulang  miyembro ng 82nd Infantry Batallion ng Philippine Army na nakabase sa Miag-ao,
Iloilo matapos magbaril ng sarili.

Kritikal naman ang nililigawan nitong si  Cheryl Molase, 22 anyos, guro ng Tabunacan Elementary School na nasa  Brgy. Tabunacan, Mia-ao ng nabangit na lalwigan.

Ayon kay SPO4 Felix Perez ng Miag-ao Municipal Police Station, Officer on Case, nangyari ang insidente sa loob mismo ng Tabunacan Elementary School  habang isinasagawa ang Brigada Eskwela. Ang guro ay kasalukuyang nasa Iloilo St. Paul’s Hospital matapos tamaan ng bala sa gilid ng kanang tenga na tumagos hanggang sa kanyang mata.

Sinasabing nanliligaw umano ang sundalo sa guro at bago nangyari ang insidente nakapag-text pa ito sa kanyang kapatid at sinabing magpapakamatay kapag hindi pinansin ng kanyang nililigawan.

Nabatid na umarangkada na ang Brigada Eskuwela sa buong bansa kabilang na ang Metro manila.

Sa Maynila kabilang sina DepEd Secretary Bro. Armin Luistro, Manila Mayor Alfredo Lim, United Nations Children’s Fund (UNICEF) country representative Tomoo Hozumi at Rep. Amado Bagatsing, sa mga namuno
isang programa sa Justo Lukban Elementary School sa Paco, Maynila na bilang tanda ng pag-uumpisa ng taunang programa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply