Sunog lagi nang pumapatay

NAPANSIN na ba ninyo na tuwing may sunog, mayroon namang nalilitson nang buhay?

Pinakahuling nakatatakot na pangyayari, Suki, ang naganap sa Butuan City.

Habang tinitipa natin ito, 18 na ang kumpirmadong patay.

Tinatayang may hanggang 19 katao pa ang pinangangambahang nasawi rin at hindi pa natatagpuan ng mga awtoridad.

Nakararami naman sa mga natagpuang nasawi ang hindi na makilala dahil sa labis na pagkasunog sa kanilang buong katawan.

Kinakailangan na ang matamang pagsusuri para malaman ang  pagkakilanlan sa mga ito.

oOo

Komersyal establismen o malaking tindahan ang nasunog.

At alam ba ninyo kung bakit hindi nakalabas ang mga biktima?

Kinandado ng mga bosing ang kanilang lugar.

Makaraang may pagsabog sa lugar, dumilim ang lahat at kasunod nito ang mabilis na pagkalat na sunog sa gusali at katabing mga gusali.  Natural na nagkagulatan lalo’t kasagsagan o kasarapan ng tulog ng lahat.

Alas 3:50 kasi ng madaling araw nang maganap ang sunog.

Ang mga nasunog at nawawala o naabo na rin siguro ay pawang mga stay-in sales ladies o tindera  ng Novo Jeans and Shirts Enterprise.

oOo

Ngayon nga ay nag-iimbestiga na ang mga awtoridad sa pangyayari.

Isa, bakit ikinandado ang establisment?

Ang pagkakaroon ng fire exit na pinagtakasan ng ilang tindera ay ‘di eksyus sa pagkakandado sa tindahan.

Bakit tila hindi rin na-ging listo ang mga bumbero?

May Tuguegarao City istayl ba rito ang mga bumbero na malapit lang pero leyt na nang sumaklolo?

Nagkaroon ba ng training laban sa sunog sa bilding ang mga obrero riyan?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply