1 patay, 3 sugatan sa sunog sa La Loma QC

ISA ang patay habang tatlo ang sugatan makaraang masunog ang limang bahay sa Halcan St., Brgy. San Isidro, La Loma Quezon City, pasado ala-1:00 kaninang ng madaling-araw.

Kinilala ang namatay na si Alan Villones na sinasabing bumalik lang sa nasusunog na bahay para kunin ang kanyang pera habang ligtas naman ang kanyang asawang si Emilita at tatlong anak na agad nakalabas sa nasusunog na bahay.

Sinasabing nagsimula ang sunog sa bakanteng kwarto ng bahay ng isang Maria Luisa Retulla.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang naturang sunog, kung saan 12 pamilya ang nawalan ng tahanan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply