Suplay ng koryente sa N. Cotabato bumubuti na

BUMUBUTI na ang suplay ng koryente sa North Cotabato.

Ito ay dahil ilang araw nang halos isang oras na lamang ang brownout sa rehiyon.

Ayon kay Cotabato Electric Cooperative (Cotelco) General Manager Godofredo Homez, simula noong Martes pumasok na sa linya ng COTELCO ang binili nilang 8 megawatts na koryente sa barge ng Therma Marine, Inc. ng Aboitiz power sa Compostela province.

Dahil ditto, umabot na sa 28 megawatts (mw) hanggang 30 mw ang normal na suplay ng koryente sa probinsya kaya malaki ang pag-unlad ng power situation sa service area ng kooperatiba na kamakailan lamang dumaranas ng hanggang walong oras na brownout.

Inaasahan na mas mapapabuti pa ito sa pagbabalik ng operasyon ng Pulangi 4 hydropower plant sa Maramag, Bukidnon dahil nakompleto na ang ginagawang rehabilitasyon ng naturang planta.

Kasabay nito, siniguro ng National Power Corporation na sa pagbabalik ng Pulangi 4, maaasahan ang dagdag na 250 mw na kuryente sa evening peak hours.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply