Suplay ng tilapia sa Metro Manila ‘di apektado ng fish kill

IPINAHAYAG ng Department of Agriculture (DA) na walang dapat ikabahala.ang publiko dahil sapat ang supply ng telapia sa Metro Manila.

Kasabay nito tiniyak ng  DA na sapat ang suplay ng tilapia dahil sa epekto ng fish kill na naganap sa Laguna De Bay.

Ayon kay Agriculture Asec. Salvador Salacup, sapat pa ang bilang ng mga isdang naibebenta sa Maynila maging sa karatig na lalawigan.

Nabatid na naabisuhan ng BFAR ang mga fish cage owners na magsimula nang magpakawala ng mga isda simula noong Mayo upang makaiwas sa fishkill.

Lumutang nitong Huwebes ang mga isda sa loob ng fishpen at fish cage nang magkaroon ng fishkill sa Laguna de Bay, sa bahaging sakop ng Barangay Pagkalinawan sa Jalajala, Rizal.

Ayon kay Eliner delos Santos, municipal agriculturist ng Jalajala, naapektuhan ng fishkill ang mga inaalagaang bangus, tilapia at bighead.May naglutangan ding isda sa labas ng mga palaisdaan.

Unang pagkakataon na nagkaroon ng fishkill sa Bgy. Pagkalinawan, ipinaalam na ang insidente sa Laguna Lake Development Authority (LLDA), na magsusuri sa tubig ng lawa upang matiyak ang dahilan ng
pagkamatay ng mga isda.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply