Supply ng dugo nagkukulang sa Region 9 dahil sa dengue

NAGKUKULANG na ang supply ng dugo bunsod sa paparami nang paparami ang nabibiktima ng dengue sa  Region 9.

Dahil dito, kumuha na ang Philippine Red Cross (PRC) Region-IX ng blood supply sa Maynila, Davao at Cagayan De Oro.

Nananawagan na rin ang lokal na pamahalaan ng Zamboanga peninsula sa mga nagnanais na mag-donate ng dugo upang makatulong sa mga nangangailangang biktima ng dengue.

Samantala, nakaalerto ang provincial health provincial at municipal centers sa naturang rehiyon upang maiwasan ang paglobo ng bilang ng nabibiktima ng nakamamatay na sakit.

Hinimok din ang mga residente sa naturang lugar na ugaliing maglinis sa paligid  ng bahay upang masupil ang pagdami ng mga nangingitlog ng nakamamatay na lamok.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply