Suspensyon ni JuanMa tinapyasan

TINAPYASAN ni Department of Recreation and Sports Secretary Henry Neumann ang isang taong suspensyon na ipinataw laban kay dating two-division world champion Juan Manuel Lopez.

Mula sa one calendar year na suspensyon ay ibinaba ito sa 10 buwan habang ang $10,000 na multa ay tinanggal na rin.

Ayon sa desisyon ni Neumann, binawasan din ang community service na oras ni Lopez mula 100 hanggang 50.

Lumabas ang naturang desisyon matapos na ilipat sa jurisdiction ni Neumann ang kaso.

Dahil sa hatol na ito, maaari nang makabalik ng ring si Lopez pagkatapos ng March 2013.

Matatandaang pinarusahan si Lopez matapos akusahan ang isang hukom na pumabor kay Orlando Salido kaya natalo siya nitong Marso sa kanilang rematch.

Sinasabing iaapela pa rin ng kampo ni Lopez ang kaso dahil ang orihinal nitong hiling ay tanggalin ang lahat ng parusa lalo pa’t nakahingi na ito ng public apology sa hurado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply