SUV sumuwag sa trak, architect utas

TODAS ang isang architect nang banggain ng kanyang minamanehong SUV ang isang truck na may kargang sako-sakong asukal sa GenSan sa ulat ng pulisya.

Kinilala ang bitkima na si John Paul Pineda, 31, ng Dulay Subdivision, Polomolok, South Cotabato.

Nabatid na pauwi na sa Polomolok ang biktima alas-4:30 ng umaga nang mawalan ng konrol sa manibela at binangga ang kasalubong na trak na minamaneho ni Emmanuelito Caga, 43, ng Malaybalay City, Bukidnon.

Duda ng pulisya na lasing ang biktima nang maganap ang aksidente.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply