Sweeper todas sa kidlat, 1 pa grabe

DEAD on arrival sa ospital ang isang road sweeper habang kritikal ang kasamahan nito makaraang tamaan ng kidlat habang nagtatrabaho sa Sta Barbara St. Barangay 53-B, Sangley Point, Cavite City, kaninang umaga.

Nakilala ang nasawi na si Rodolfo Baquiano, 30, tubong Iligan City, habang kritikal naman si Jeric Anciado, 18. And dalawa ay kapwa residente ng C. Dones St., Brgy 42, San Antonio, Cavite City at empleyado ng Sweeper Under Haresco General Services.

Batay sa imbestigasyon, dakong 9:10 ng umaga habang naglilinis sa kalsada ang dalawa sa nasabing lugar nang biglang kumidlat.

Agad na isinugod sa Major Danilo S. Atienza Air Base Hospital sa Sangley Point si Baquiano ngunit hindi na umabot pa.

Nasa Naval Hospital sa Samonte Park naman si Anciado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply