Swindler na nambibiktima ng mga artista timbog sa NBI

NADAKIP na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang notorious swindler na nambibiktima ng mga artista at iba pang personalidad.

Nahuli si Anchit Lim Santiago sa Zobel St., Parañaque City kung saan isa sa mga naging biktima nito ang aktres na si Helen Gamboa at celebrity stylist na si Erick Pebenito may walong taon na ang nakararaan.

Modus ng suspek na umaktong middleman o tagabenta ng alahas ng mga biktima.

Aabot sa P15 milyon ang halaga ng mga alahas at diyamante ang nakulimbat ng suspek kina Gamboa at Pebenito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply