SWS vs DOLE

NAG-AAWAY ang Social Weather Station at Department of Labor and Employment ukol sa kawalan ng empleyo.

Ito ay makaraang maglabas ang SWS ng resulta ng sarbey na nagsasabing grabe ang kawalan ng hanapbuhay o trabaho sa bansa.

Umaabot na sa 14M ang walang trabaho kumpara sa nakaraang mga taon na may 9.7M istambay.

Sabi ng DOLE, maliit lang ang bilang ng walang trabaho sa repablik ni Juan.

Hindi totoo na nasa 14 milyon ang walang trabaho kundi nasa 4M lamang.

Ibinatay ng DOLE ang datos nito sa sarbey na isinagawa ng National Statistics Office.

Sabi pa ng DOLE, lumaki na ang kabuuang bilang ng mga obrero sa 41.31M kaya lalong lumaki ang bilang ng mga may trabaho.

oOo

Sabi pa ng DOLE, maliit lang ang pinagbatayan ng SWS sa sarbey nito dahil  nasa 1,200 katao lamang.

Nasa 50 mil at mula sa edad 15 pataas naman ang sinarbey ng NSO.

Ang ginawa ng DOLE ang kapani-paniwala dahil ito rin ang pinagbabatayan ng Asian Development Bank, World Bank, International Monetary Fund at International Labor Organization.

Siya nga ba, huh?

oOo

Pero para sa atin, Suki, tila mas totoo ang sinasabi ng SWS kaysa sa DOLE kahit pumunta kayo sa mga barangay na roon nagkalat ang walang trabaho.

At kung may trabaho naman, naku po, halos puro  ENDOC  na  o end of contract. ‘Yang mga biktima ng ENDOC ay poreber pa na hindi na makababalik sa pinanggalingan nilang mga pabrika o pagawaan para walang magiging regular na trabahador.

Kaya nga, sino-sino ang pinagloloko nitong DOLE na ito, huh?

Nga pala, buwagin na lang kaya ang DOLE sa kainutilan nitong labanan ang ENDOC o gawin ding ENDOC ang lahat na nandiyan para naman maranasan nila ang magutom at maghirap.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply