‘T3’ sinuspinde ng 3 buwan ng MTRCB

TATLONG buwang suspensyon, epektibo ngayong araw, ang ipinataw ng Movie, Television Review and Classification Board (MTRCB) sa TV program ng magkakapatid na Raffy, Ben at Erwin Tulfo na “T3 Kapatid Sagot Kita.”

Ayon kay MTRCB Chairman Grace Poe Llamanzares, lumabas sa kanilang imbestigasyon na may nilabag na guidelines ng ahensya ang Tulfo borthers gaya ng grave threat at inciting of crime.

Matatandaang nagbanta ang Tulfo brothers sa mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto matapos na makipagrambulan ang mga ito sa kanilang kuyang si Mon Tulfo sa Ninoy Aquino International Airport kamakailan.

Pinagbabayad din ng P100,000 na multa ang nasabing programa.

Isasailalim din sa probation ang programa kung saan ire-review ng MTRCB ang bawat episode nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply