Tactical Motorcycle Riders inilunsad sa QC

BILANG na ang mga araw ng kilabot at notoryus riding-in-tandem na siyang itinuturing na tinik sa lalamunan ng mga residente sa Quezon City.

Ito’y matapos ilunsad ng Quezon City Police District (QCPD) ang bago nitong unit na tinawag na Tactical Motorcycle Riders (TMR) na magiging susi para mapigilan ang modus operandi ng riding-in-tandem sa lungsod.

Karaniwan na kasing ginagamit sa kanilang mga panghoholdap ang motorsiklo dahil bukod sa mabilis itong tumakbo ay kaya pa nitong pumasok at dumaan sa makikipot na eskinita at kalsada.

Madali na ring magkasa ng pang-aambus kapag lulan ng motorsiklo ang mga masasamang elemento sa lipunan dahil hindi tulad ng kotse o van ay mas madaling magkasa ng krimen dahil hindi na kailangan pa nilang magbukas ng pinto.

Kaninang umaga, nagpakita ng kanilang gilas ang 41 miyembro ng TMR sa Camp Karingal habang sakay sa kanilang motorsiklo.

Nagkasa rin ng drill ang TMR na kumpleto sa armas kontra mga kriminal na kunwari ay may nagaganap na holdapan at ipinamalas ang kanilang galing sa paresponde sa mga suspek na riding-in-tandem din.

Personal naman na ininspeksyon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Allan Purisima ang mga miyembro ng TMR at pinayuhang paigtingin pa ang pagpapatrulya kontra pambibiktima ng mga riding-in-tandem.

Sa talaan ng QCPD, sa bawat isang araw ay may nagaganap na isa hanggang tatlong krimen na sangkot ang kilabot na riding in tandem.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply