Tag-ulan sa tag-araw

TAMA ang sinasabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ukol sa panahon.

Maulan nga ang Mayo ngayon at sinasabing abnormal ito dulot ng tinatawag nilang climate change.

Sa climate change o pagbabago ng klima o panahon, baligtaran ang nagaganap.

May tag-ulan na tag-araw at may tag-araw na tag-ulan.

Ang sabi, marumi ang mundo, puno ng polusyon.

At sinisira ng polus-yon ang normal na ikot ng panahon.

Wataymen, sa normal na panahon, kung dumarating ang mga buwan na tag-ulan, asahan mo na ang mga pagbuhos ng ulan, kasama na ang mga bagyo.

At kung tag-araw, umasa ka naman ng hi-git na tuloy-tuloy na mai-nit na panahon nang may bihirang mga pag-ulan at pagbagyo.

Ngayon nga ay iba na, Suki, ang nagaganap.

oOo

Sa totoo lang, nakatatakot ang climate change.

Isa sa mga dala-dala kasi nito ay ang hindi pangkaraniwang pag-ulan.

Kung umulan, grabe ang lakas at matagalan.

At dahil malakas at matagalan ang ulan, naririyan ang mga baha.

Sinasalanta nito, Suki, ang ating mga pagkain, ang ating kalusugan, ang ating mga hanapbuhay, ang ating mga tahanan at iba pa.

Kung umaraw naman, sobra ang init.

At sa sobrang init, naririyan ang pagkasira ng ating mga pananim para sa pagkain, ang heat stroke na pumapatay, ang mga katakot-takot na sunog at iba pang kamalasan sa buhay.

oOo

Sabi ng iba, may magagawa pa laban sa pagbabago ng klima.

Magtanim tayo ng mga puno na kakain sa mga polusyon sa hangin.

Maglinis lagi tayo ng ating mga makina upang hindi magbuga ng polus-yon ang mga ito.

Aaahh, marami, Suki, ang ating magagawa.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply