Taiwan naglabas ng advisory vs anti-China protest

NAGPALABAS na rin advisory ang Taiwanese government sa kanilang mga kababayan na mag-ingat sa harap ng nakatakdang anti-China protest ngayong araw sa Pilipinas

Ang advisory ay ipinalabas ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO) upang payuhan ang kanilang mga kababayan na iwasan na magtungo sa mga lugar na sentro ng mga kilos-protesta.

Pinangangambahan ng Taiwanese na mapagkamalan silang mga Chinese dahil sa halos magkahawig na hitsura ng mga ito.

Una rito, tinyak na mga organizer na walang dapat ikabahala ang mga Chinese sa gagawing kilos-protesta.

Ayon kay Jackson Gan, isa sa mga organizer na layunin ng pagkilos na ipakita sa China ang pag-alma ng mga Pinoy sa ginagawa nitong panghihimasok sa sobereniya ng Pilipinas.

Tiniyak din ng opisyal na magiging mapayapa ang kanilang gagawing aktibidad.

Ginawa ni Gan ang paglilinaw matapos maglabas ng advisory ang Chinese embassy para sa kanilang mga mamamayan na mag-ingat sa ikakasang anti-China protest ng mga Pinoy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply