Taiwan nakikisakay na sa Scarborough issue

HABANG nagkakaroon ng iringan ang bansang China at Pilipinas sa pinag-aagawang Scarborough Shoal, nakikisakay na umano ang Taiwan sa nasabing isyu at maging sa iba pang teritoryong sakop ng West Philippine Sea.

Ayon sa Taiwanese Ministry of Foreign Affairs, iligal ang ginagawang pag-angkin ng Pilipinas sa Scarborough Shoal.

Kasabay nito ang pagtiyak ni Foreign Minister Timothy Yang na gagawa sila ng mga hakbangin para maprotektahan ang kanilang soberenya sa rehiyon.

Ipinahayag pa ni Yang na nakikipag-ugnayan na ang kanilang Representative Office sa Manila para sa pagbuo ng isang Task Force na magmo-monitor sa standoff ng Pilipinas at China sa Scarborough Shoal.

Sinabi naman ni National Defense Minister Kao Hua-Chu na ang kanilang plano para sa regular na pagbisita sa South China Sea Region ay upang tiyaking sapat ang ‘combat ability’ ng kanilang coast guard.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply