Talamak na dayaan sa ARMM nilusaw na

TULUYAN nang nilusaw ng Senado ang talamak na dayaan sa Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) nang aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa sa Senate Joint Resolution No 17 ang pagbasura sa voters’ list para magkaroon ng bagong rehistrasyon sa naturang rehiyon.

Ayon kay Senate Majority Leader Vicente Sotto III, walang tumutol sa pagpasa ng naturang resolusyon kaya mabilis na naipasa ang panukala.

“It was unanimously approved.”

Nauna nang inihayag ng Commission on Election (Comelec) na magsasagawa ng bagong rehistrasyon ng botante sa rehiyon na kilala sa flying voters at registration sheets na may toeprint kaysa fingerprint. Suportado ng Comelec ang panawagan ng Kongreso at Malakanyang sa panukala.

“The resolution eliminated the lack of material time argument of Comelec,  that is why I am ecstatic and elated on the quick action by the Senate in approving the resolution,” ayon kay Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III, chairman ng Senate committee on electoral reforms and people’s participation.

Hinihintay ng Mataas na Kapulungan na ipasa ng Mababang Kapulungan ang naturang resolusyon bago ganap na maipatupad ng Comelec.

“Once the counterpart resolution is passed, the Comelec is task to conduct the new registration,” dagdag ni Pimentel.

Maliban sa pagbasura ng voters list sa ARMM, layunin din ng SJR No. 17 na suspendihin ang rehistrasyon sa Visayas at Mindanao at kung saan matutukoy ng Comelec ang pangangailangan.

Inaasahan ng Senado na magkaroon ng bagong listahan ng botante ang buong ARMM sa Disyembre 10, 2012.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply