Talamak na kotongan sa traffic bureau, di matigil

MULI nating silipin ang talamak na trapik sa kahabaan ng Taft Avenue cor Pedro Gil, Malate, Maynila na kung saan ay ginagawa palang “gatasan” ng mga pulis ng Manila Traffic Enforcement Unit (MTEU) ang mga bus at mga jeep na namimik-ap ng mga pasahero rito.

Aba’y kaya naman pala hindi maayos-ayos ang trapik sa kahabaan ng Taft Avenue kahit na nagkakandabuhol-buhol na ang mga sasakyan dito ay dahil sa ginagawa pala nilang “gatasan” ang mga bus at jeep na nagsasakay ng pasahero.

Ang style na ginagawa ng traffic police, pag nababanatan at umiinit ang trapik sa Taft Avenue lalo na sa Pe-dro Gil, ay kaagad na pinapapopostehan ng pulis (kunwari) ni MTEU chief Supt. Reynaldo Nava ang lugar.

Para nga naman hindi disimulado ang operasyon ng  kaliwa’t kanang kotongan sa mga bus at jeepeney na nagte-terminal sa lugar.

Itinataboy (kunwari) nang papalayo ng pulis na idinetail ni Supt. Nava ang mga bus at jeep na namimik-ap ng mga pasahero pero makalipas lang ng ilang oras ay muli na namang nagbabalikan ang mga bus at jeep para mamikap muli.

Si Tinyente Tamayo ang bagong “Lt. Cosme”  ng MTEU kaya ang lahat ng mga tong-collection na nakukuha mula sa mga ilIgal terminal, parking, vendor at iba pa ay sa kanya po lahat bumabagsak.

Kaya naman araw-araw ay tiba-tiba si tinyente sa pagkukuwenta sa kabuuan ng tong-collection na nakokolekta nila.

Malaki ang nakukuhang “ganansya” mula sa tong-collection ng Traffic Bureau kaya kahit ilang taon nang nakaupo bilang MTEU chief  si Col. Nava ay kapit-tuko ang mama sa byuru na lungga ng mga korap.

Hoy puliiiiiiiissssss…

ITUTULOY…..

oOo

Anoman ang reklamo mangyari ay i-text lang sa 09189274764, 09266719-269 o i-email juandesabog@ yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply