Talunan sa pulitika: Edu Manzano umayaw na!

TALUNAN na sa pulitika si Edu Manzano. Dami na niya sinalihang political battles wherein he ended up a loser. Ito marahil ang dahilan kung bakit ngayon ay umayaw na siya. At pati ‘yung anak niyang si Luis Manzano who’s rumored to run for a position as Lipa City mayor ay ina-advice niyang umiwas sa pultika.

“No, ayoko na. Nakatutulong naman ako sa kapwa in other ways, like the cancer ward sa Philippine Children’s Medical Center na sinusuportahan ko. Nag-serve na rin naman ako sa government as OMB chair noong 2004. Even my son, Luis, when I heard he plans to go into politics, sabi ko, no! Kasi okay naman ang showbiz career niya and he’s earning well. He could serve the public in other ways na lang. Hindi maganda ‘yung pagsabayin mo ang showbiz at politics.”

Mas type raw ni Edu na makapiling ang mga anak ‘pag wala siyang trabaho.

“Fifty seven na ako this year. My youngest, Enzo, is now 17, 6’1”, and plays with La Salle for NCAA. ‘Yung ate niya, si Adi, is now 19 and is in Ateneo. May mga kumukuha sa kanila para mag-show, but I told him gayahin nila ang Kuya Luis nila. Nagtapos muna bago nag-showbiz.”

And now Edu Manzano is a part of TV5’s Game and Go. Sa wakas natuloy na rin itong dapat sana’y daily noontime show. Pero ayan nga tuloy na, but only on Sundays. Kasama nga niya sina Arnelli Ignacio, Gelli de Belen, Shalani Soledad at si Joey De Leon.

Ayon nga kay Joey De Leon, special sa kanya si Edu Manzano. “Kasi pareho sila ng initials ng misis ko,” sabi ni Joey, whose wife is Eileen Macapagal.

Kumusta naman ang feeling ni Edu sa pakikipagtrabaho kay Joey De Leon? “I got excited when TV5 exec Perci Intalan asked me, ‘Would you like to work with Joey?’ I consider it an achievement in my career to be able to work with him. Sa meetings namin for the show, you can see iba ‘yung lalim niya. Ang iba, tingin sa kanya, komedyante, but you’ll admire him when you work with him kasi iba siyang mag-isip. I think we can learn from each other. Magiging maganda ang batuhan namin na hindi scripted.”

Why did he leave GMA7 after hosting Family Feud? “May binibigay naman silang projects sa ’kin but I just want to focus on hosting. Ayoko muna ng acting, which is why I don’t do movies now or teleseryes. Di ko kaya ‘yung magdamagang trabaho. Let’s just say na hindi tugma ‘yung shows or concepts ko, hindi pasok sa kanilang strategies. Dito sa TV5, gusto ko yung ideas nilang out of the box for the viewers to see something different naman.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply