Tameme ang mga bading kay Mega Sha

INURUNGAN ng bayag ang bading na nambira sa Twitter kay KC Concepcion. Sukat ba namang ‘di mapiglan ang sariling i-tweet yung marami raw siyang alam na baho ni KC Concepcion. Ayan tuloy, nagmarakulyo si Mega’t binalikan siya. Ang kawawang bading, natakot yata, binura ang tweet at ‘di na sumagot.

Yan kasi ang problema sa ilang bading na may kapangyarihan. ‘Di marunong gumamit ng kapangyarihan nila. Sa kagustuhang makasipsip sa mga among tunay na kaaway ni KC, kung anik anik ang gustong gawing pasabog.

Sa true lang naman, ‘di nila kaya si Shawie kahit sabihin pang wala na ito sa kanilang kuwadra. There was time na bida ito sa kanilang network at kahit paano, marami rin namang iniwang merito para magkaroon pa rin ng respectability sa naturang network.

Sino nga naman ang kakampihan ng network execs kung ganyang inaapi nila si KC. KC is KC and no matter how prodigal at kahit na gaano karami ang baho nitong itinatago, wala talagang karapatan ang bading na magsalita against her, especially sa public domain. Hindi komo may protector siyang malaking isdang bading sa network ay kaya na niyang makalusot. The truth is, isa lang siyang asungot doon na tagabugaw ng mga guwapong mhin sa mga sinasamba niyang execs.

Hahaha!

Hoy baklang inurungan ng bayag, umayos ka, ‘di ka palalampasin ni Mega Sha!

***

Coco Martin tinotoo ni Angeline Quinto

NATATAWA si Coco Martin nang aminin niyang tinotoo raw ng leading lady niyang si Angeline Quinto ang eksena nila sa Born To Love You kung saan ay sinasampal siya nito.

Reklamo ng aktor, masakit raw ang mga sampal ni Angeline.

“Sobra! Mabigat ang kamay niya, eh,” natatawa niyang sabi.

“Hindi naman ako nagreklamo. Pero dumating na ‘yung time na sa kasasampal niya sa akin, kahit hindi ako dapat umilag, umiilag na ang mukha ko. Ayun, eh, kailangan lang tiisin.”

Pero dahil sa pelikula raw nilang ito ay mas lalo silang naging close at mas nakilala raw niya nang husto ito. Marami raw silang masasayang moments off cam.

“Kasi si Angeline, kahit sa totoong buhay, ganyan siya kakulit, eh. Talagang napatatawa niya ako nang sobra.”

Anu-ano ang mga qualities na gusto niya kay Angeline?

“Unang-una, dahil sobra siyang mapagmahal sa pamilya niya. Tapos, mahilig siyang magsimba, eh. Pareho kami, nagsisimba palagi sa Quiapo.

“Marunong din siya sa buhay. Napakaraming good qualities ni Angge (tawag niya kay Angeline),” papuri ni Coco sa leading lady.

’Yun nga lang puro smile lang ang sagot ng aktor kapag tinatanong kung mapupunta ba ang closeness nila sa isang relasyon.

“Kasi, ’yun nga ang sinasabi ko, medyo busy sa trabaho talaga. Kasi, almost everyday talaga akong nagtatraba ho. And depende na lang kung saan makararating.

“Darating at darating din naman ’yan (ang love). Pero sabi ko nga, ayokong aksayahin ang mga pagkakataong ibinibigay sa akin. Kasi, kung baga, maganda ang mga blessings na ipinagkakaloob sa akin ngayon, gina-grab ko lang po,” sey pa ni Coco.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply