Tangkang mangreyp ng 2 chatmate arestado

ARESTADO ang 25-anyos na lalaki makaraang ireklamo ng dalawang babae dahil sa panloloko gamit ang website na “Date in Asia” sa Internet sa Quezon City kanina.

Rehas na bakal ng detention cell sa Station 7 ng Quezon City Police District ang hinihimas ngayon ni Mark Mendoza, ng Dasmariñas village, Makati City matapos positibong itinuro ng dalawang babae, pawang ng Commonwealth, Quezon City .

Ayon kay P/Chief Insp. Virgilio Caroda, hepe ng follow-up team ng Cubao Police Station 7, nadakip nila ang suspek matapos ang isinagawang entrapment operation sa loob ng Spring Hotel sa Pinatubo St., nasabing lungsod.

Sa reklamo ng dalawang babae na kapwa nasa edad 19, naka-chat nila ang suspek sa isang website na “Date in Asia “ sa Internet at nakipagkasundong makipagkita sa lalaki.

Nang mabola ay napasunod sila ni Mendoza na pumasok sa nasabing hotel sa Cubao kapalit ng claim stub mula umano sa LBC at pangakong may makukuha silang pera na nagkakahalaga ng P30,000 pero hindi naman pala totoo.

Dahil dito, nagreklamo na sila sa mga pulis, ikinadakip ng nasabing suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply