Tanod patay sa ambush sa Masbate

AGAD binawian ng buhay ang isang barangay tanod habang nakikipagpalitan ng putok ang kasamahan nito nang tambangan sila sa Masbate.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, agad binawian ng buhay si Michael Asilum, 31, na tinamaan ng bala sa ulo habang kritikal naman sa Masbate Doctors Hospital ang kasama nito na nakilalang si Joselito Moran, 29.

Lumitaw sa pagsisiyasat ng imbestigador na may hawak ng kaso, pauwi na ang mga biktima sa Barangay Panisija sa bayan ng Uson, Masbate nang tambangan.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply