Tatay na walang pambili ng gamit ng anak, nagbigti

KAHIRAPAN ang nagtulak sa isang ama ng tahanan upang magbigti sa loob ng kanilang bahay kaninang madaling araw sa Caloocan City.

Ang biktima na huling iniulat na nasa kritikal na kalagayan sa Diosdado Macapagal Hospital ay kinilalang si Jayson dela Cruz, 28, ng #1038 Interior 10, Barangay 33, Maypajo, nasabing lungsod.

Batay sa imbestigasyon ng Caloocan PNP, alas-4:00 ng madaling araw nang makita ng live-in partner na si Tintin Viray ang biktima na nakabitin sa kisame ng kanilang bahay. Agad namang naisugod sa pagamutan ang biktima at naagapan ng mga manggagamot.

Nabatid pa sa ginang na tatlong araw bago ang insidente ay madalas silang mag-away ng biktima dahil sa kawalan ng trabaho at iniisip ang gastusin sa pag-aaral ng dalawa nilang anak.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply