Tatay patay sa sunog sa La Loma

HINDI na nakalabas nang buhay ang isang mister nang balikan ang naiwang pera sa loob ng sumiklab nilang bahay sa Halcan Street, Barangay San Isidro sa La Loma Quezon City, kaninang ala-1:00 ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Alan Villones.

Sa imbestigasyon, lumalabas na nagmula ang sunog sa bakanteng kwarto ng bahay ng isang Maria Luisa Retulla sa nasabing lugar.

Ayon sa misis ng namatay, ligtas na silang nakalabas ng bahay pero bumalik aniya ang kanyang mister para kunin ang naiwan nilang pera.

Umaabot naman sa 12 pamilya ang nawalan ng bahay sa insidente.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply