Taxi driver patay sa debate sa Pasay City

PATAY ang isang taxi driver nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin makaraang mauwi sa mainitang pagtatalo ang kanilang diskusyon kahapon sa Pasay City.

Dead on the spot si Rodolfo Velentino, ng 5B-2 San Juan Resettlement, Taytay, Rizal sanhi ng tama ng bala ng kalibre .22. sa iba’t ibang bahagi ng katawan, habang agad namang tumakas ang suspek na tinatayang nasa pagitan ng 60 hanggang 65-taong gulang, nakasuot ng brown na polo at bull cap.

Sa imbestigasyon ni PO3 Giovanni Arcinue ng Pasay Police Investigation Division, naganap ang pamamaslang ala-1 ng hapon sa C. Jose Extension, Malibay matapos ang mainitang pagtatalo ng dalawa.

Sinabi ni Arcinue na posibleng bumaba ng taksing minamaneho ng biktima ang suspek nang magkaroon sila ng pagtatalo kaya iniatras ng nasawi ang taxi upang habulin ang salarin.

Pero bago pa man masukol ni Velentino ang suspek ay bumunot na ito ng baril at pinagbabaril ang biktima.

Sa pahayag naman ng testigong si Danilo Alonzo, 30, nakita niya kung papaano hinabol ng biktima ang suspek nang iatras ang minamanehong taksi subalit pagsapit sa harapan ng isang water refilling station ay pinagbabaril na siya ng lalaking naka-bull cap.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply