Terminal fee sa airline tickets pirmado na

PORMAL nang senelyuhan ang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Manila International Airport Authority (MIAA) at anim na local carriers upang mailakip ang domestic passenger service charge (DPSC) na P200.00 terminal fee sa airline ticket na magiging epektibo sa Agosto 1, taong kasalukuyan.

“We thank our airline partners in this endeavour for their cooperation. We offer this milestone to the travelling public. This is a reality for all of us,” anang MIAA general manager Jose Angel Honrado sa ginanap na MOA signing sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3.

Ang DPSC ay magiging bahagi na ng kabuuang presyo ng ticket pagkabili nito, at ang paglakip nito ay karagdagang kombinyente para sa mga pasahero dahil mababawasan ng isang proseso sa pagpila bago makasakay ng eroplano.

Tinukoy ni Honrado na habang dumadami ang pagdagsa ng pasahero ay nagiging dahilan ito ng pagsisikip ng terminal at hindi inaasahang pagkabalam ng air passengers.

Ang layunin ng MIAA, aniya, ay para mabawasan ang processing time ng mga pasahero at gawin itong simple.

Kabilang sa mga pumirma sa kasunduan ay sina Iñigo Zobel, president &CEO ng Air Philippines Corp.; Lance Gokongwei, president & CEO ng Cebu Pacific Air, Inc.; Ramon Ang, president & CEO ng Philippine Airlines; Avelino Zapanta, president & CEO Southeast Asian Airlines (SeAir), Inc.; Ramon Guico III, president & CEO ng WCC Aviation Company (Sky Pasada); at Zest Airways representative Arthur Alejandrino.

Dahil sa integration ay milyong pasahero ang makikinabang nito na umaalis sa NAIA terminals 2, 3 at 4.

Binigyan-diin ni Honrado na sa taong 2011, ang total outbound domestic passengers na dumaan sa tatlong nabanggit na airport terminal ay nagrehistro ng 8.43 milyon kumpara sa 7.37 milyon noong 2010.

At para sa 2013, inaasahan na ng MIAA na tataas ito ng 11.3 million umaalis na mga pasahero na dumadaan sa tatlong terminal.

Lahat ng ticket na mabibili at mga re-issued ticket ay malalakip na ang terminal fee sa airline ticket.

Pero sa mga may hawak ng ticket bago sumapit ang Agosto 1, may mga DPSC collection counters ang MIAA para sa mga pasahero na direktang magbabayad ng terminal fee hanggang July 31, 2013.

At sa mga hindi nagamit na ticket, ibabalik ng airlines ang kabuuang ibinayad na terminal fee sa loob ng isang taon mula sa pag-isyu nito.

Nabatid na ang terminal fee ay isusunod na rin sa Cebu at Davao na ibabase sa passenger traffic o volume.

Aniya, mayroong 45 airports ang bansa na nakarehistro bilang commercial.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply