Testigo vs GMA nawawala– Comelec

KINUMPIRMA ng Commission on Elections (Comelec) na nawawala ang isa sa mga tesitgo sa kasong electoral sabotage laban kay dating Pangulong at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo, makaraang hindi ito dumating sa ginawang pagdinig ng usapin.

Ayon kay Comelec Lawyer Atty. Ma. Juan Valeza, hindi sumipot sa pagdinig sa Pasay City Regional Trial Court (RTC) at hindi mabatid kung nasaan ngayon ang testigong si Russam Mabang, dating election officer.

Nais sanang iprisinta ni Atty. Valeza si Mabang sa bail hearing kaugnay sa election sabotage na kinakaharap ni dating Pangulong Arroyo.

Ani Valeza, nagka-usap pa sila ni Mabang kagabi (Mayo 30) para sa pagdalo sa hearing ngayon sa RTC sa sala ni Judge Jesus Mupas sa Branch 112, pero hindi maipaliwanag ng mga guwardiya ng safe-house kung paano ito nawala.

Iginiit naman ng depensa sa pangunguna ni Atty. Sigfried Fortun na hindi maaaring puwersahin ng Husgado na tumestigo si Mabang.

Hiniling naman ni Atty. Benjamin Santos na gamitin na lamang ang testimonya ni Mabang na naisumite sa korte.

Muling itinakda ni Judge Mupas ang usapin sa darating na Hunyo 21.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply