Testigong pulis sa Ramgen murder case walang kredibilidad

UMALMA ang kampo ni Ramon Joseph “RJ” Bautista, pangunahing suspect sa pagpatay sa kanyang sariling kapatid na si Ramgen Revilla, na walang kredibilidad ang  testigong si SPO4 Charlie Bayoca na nanguna sa pagdakip sa dalawa pang suspect sa naganap na krimen.

Iginiit ni Atty. Jeffrey Gepte, abogado ni RJ Bautista, na walang kredibilidad bilang testigo si Bayoca dahil bukod sa hindi naman siya ang pangunahing nagsagawa ng imbestigasyon sa kaso, wala rin itong binabanggit kaugnay sa pagkakasangkot ng kanyang kliyente sa krimen.

Sa paglilitis kahapon sa sala ni Judge Fortunito Madrona ng Branch 274 ng Paranaque Regional Trial Court (RTC), sinabi ni Bayoca na ang kanilang testigong si Ruel Puzon ang nagbigay ng pangalan sa lima pang suspect na umano’y sangkot sa pagpatay kay Ramgen at malubhang pagkasugat sa kasintahan nitong si Janelle Manahan.

Sa pagpapatuloy ng cross examination ni Atty.Ana Luz Cristal Tenorio, abogado ng dalawang akusadong sina Francis Tolisora at Michael Nartea, sinabi ni Bayoca na mismong si  Puzon ang nagbanggit ng pangalan ng limang suspect na una’y nakilala lamang sa mga alyas na Norwin, Glaiza, Bryan, Kiko at Mike.

Aminado naman si Bayoca na walang warrant of arrest silang dala nang arestuhin nila  sina Tolisora at Nartea matapos na matunton nila ang kinaroroonan ng dalawa sa tulong na rin ni Puzon.

Iginiit naman ng taga-usig na ipi-prisinta rin nila sa korte bilang testigo sina Puzon, Paranaque police Intelligence chief, Chief Insp. Ferjen Torred at ang medico legal na sumuri sa bangkay ng biktima sa susunod na pagdinig kung saan maiuugnay na pagkakasangkot ni RJ Bautista at kapatid niyang si Ramona Belen Bautista sa krimen.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply